November 27, 2005. Sunday.

Purplegirl called while we were having supper. Her husband has passed the road test. One take only. And they’ve just bought a car. 2005 Silver Corolla. Inabot din ng $20,000. For pleasure lang ang claim nila sa Autopac kaya mababa lang daw ang insurance. Buti pa sila. Si H ay ilang take na ng road test pero hindi pa makapasa. And at least pareho silang may part-time na mag-asawa. Talagang pinaglalaanan nila ang pagbili ng sasakyan. Wala pa kasing anak kaya may time silang pareho na mag-part-time.

Ako’y kinakabahan dito sa asawa ko. Baka kapag nakapasa ng road test, isang araw ay umuwi na may dala nang kotse. Ganyan kasi iyan. Basta basta na lang bumibili ng mamahaling bagay katulad ng stereo na hindi ikinukunsulta sa akin. Ang katwiran niya ay magagalit ako. Eh ano kung magalit ako eh kapag ganyang malaking halaga ay dapat na pinag-uusapan iyan. Tapos hindi siya gumawa ng paraan para madagdagan ang income para may pambili ng mga bagay na iyon. Sa halip ay binabawasan niya ang ibinibigay niya sa akin. Kulang na nga eh, binabawasan pa. Saan siya kukuha ng panghulog sa kotse? Baka hindi na siya mag-abot ng pera sa akin. Maganda nga sana ang may kotse pero kung ganuon naman. Hay!

Advertisements